Si Airish Evol L. Domingo ay isinilang noong ika-14 ng Marso, 2008 sa Lungsod ng Pasig. Siya ay anak nina Alex at Almira. Mayroong siyang mga kapatid na sina Alethea, Axel, at Aesha. Mula pagkabata, siya ay lumaki sa isang pamilya na nagbigay sa kanya ng suporta at inspirasyon sa kanyang mga pangarap.
Sa murang edad, ipinakita na niya ang hilig sa sining, musika, at pagnonood. Habang siya ay lumalaki, mas lalo niyang pinagyaman ang kanyang kakayahan sa pamamagitan ng pagsama sa kompetisyon at paggamit nito sa bawat media.
Nag-aral siya sa Arellano University para sa kanyang elementarya at sekondarya, at ipinagpatuloy ang kanyang edukasyon sa Mataas na Paaralan ng Sta. Lucia, kung saan mas lalo niyang hinasa ang kanyang kaalaman sa STEM strand. Sa kabila ng mga pagsubok, patuloy siyang nagsumikap upang makamit ang kanyang mga pangarap.
Comments
Post a Comment